Nais Lang Ng Babae Na Ito Ang Makauwi At Hindi Inaanasahan Na Papababain Siya Ng Driver Pero Ganito Ang Ginawa Niya Na Talagang Nakakahanga.
Sa panahon ngayon kung saan marami nang sumasakay sa taxi/grab/uber dahil sa sobrang busy sa pang araw araw mapatrabaho o iskwela pa yan hindi maiiwasan na magkaroon ng kakaibang karanasan patungkol dito. Kaya naman hindi inaasahan ng netizen na ito na si Cristina Tan na ang kanyang masasakyan taxi para makauwi ay ganito ang mangyayari.
Ang mga taxi driver karamihan ang ginagawang byahe ay 24hrs, iidlip lang sandali tapos byahe na. Dala na rin sa hirap ng buhay, sa taas ng pamilihin kaya todo kayod para may maiuwing pagkain sa bahay.
Nasakyan ni Cristina ang isang 70y/o driver at hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa driver kaya nagmagandang loob na lang siya na siya na ang magdri-drive at makapagpahinga muna ang taxi driver. Basahin niyo po ang kanyang kwento.
"First time ko mag drive ng taxi. Haha"
"While on the road sabi ni tatay (taxi driver) lipat nalang daw ako dahil hindi nya kaya mag drive sa sobrang antok, sabi ko delikado naman kung baba ako somewhere hindi ko alam kung makakasakay agad ako so i insist ako na ang mag drive dahil malayo pa ang bahay ko from our location at first ayaw niya nahihiya at akala nya hindi ako marunong mag drive ng manual. "
"Pero pinilit ko nalang para maka idlip sya habang traffic. Nung ako na ang nag ddrive nakatulog agad sya at humihilik pa. Habang nasa byahe ang dami pumapara sa taxi tapos nagugulat at natatawa dahil babae ang driver. "
"Anyway, 70yrs old na si tatay sabi nya panahon pa ni marcos taxi driver na sya at puro babae anak kaya naghahanap buhay pa rin till now. Ginising ko nalang si tatay nung nakarating na kami sa bahay ko. Wala lang gusto ko lang i share kasi first time ko. Haha ☺️"
Nais Lang Ng Babae Na Ito Ang Makauwi At Hindi Inaanasahan Na Papababain Siya Ng Driver Pero Ganito Ang Ginawa Niya Na Talagang Nakakahanga.
Reviewed by Unknown
on
September 19, 2017
Rating:
No comments