OFW na taga Cagayan, natagpuang patay sa kanyang tinutuluyan pagkatapos ng lindol sa Taiwan


MANILA, PHILIPPINES - Isang OFW (Overseas Filipino Worker) na taga Cagayan ang naiulat na nawawala matapos yanigin ng 6.4 magnitude na lindol ang lungsod ng Hualien sa Taiwan noong gabi ng February 06, 2018.

Kinilala ang OFW na si Melody Albano De Castro (still missing), Filipina caretaker, at taga Abulug, Cagayan. Si Melody ay nakatira sa Hualien City building na nag collapse matapos tumama ang lindol.

Ayon sa pamunuan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan, kinumpirma nitong nawawala ang isang Pilipina base sa ulat ng mga tauhang pinadala nila sa lugar.

-- Update February 08, 2018 -- Photo (c) to owner // Source: OFW Taiwan // Concern Citizen / ABS-CBN News

Ayon sa mga OFW sa Taiwan konpirmadong namatay si Melody matapos madaganan ng cabinet sa kanyang tinutuluyan. Sa 7th floor umano nakatira si Melody na hindi pa napapasok ng rescuers ngunit sa kasamaang palad ay natagpuang wala ng buhay.
OFW na taga Cagayan, natagpuang patay sa kanyang tinutuluyan pagkatapos ng lindol sa Taiwan OFW na taga Cagayan, natagpuang patay sa kanyang tinutuluyan pagkatapos ng lindol sa Taiwan Reviewed by Unknown on February 08, 2018 Rating: 5

No comments

ads